Thursday, January 17, 2013

Bestman ako!

Narito ang aking mensahe sa kaibigan kong si Buen nang ikasal sya sa Malagos Garden sa Davao noong a-dose ng Disyembre 2012 Good Afternoon Everyone. My name is Manny & I'm the bestman. First, I'd like to welcome everyone who traveled from Near and far to be here today. The crowd in this room is truly a testament to the love that we have for Kathy and Albuen as well as the love they have for each other. I would like to thank Albuen, Kathy, and their families for inviting us to celebrate their marriage with them on this beautiful day. Albuen and I first got to know each other properly several years ago, while taking our masters degree at UP and spending midnight snacks at Bermonts in preparation for review on Doc Zarco's eigen values & numerical iteration exams. The best way I could describe him as a wingmate & classmate was he's one of the finest people I have had the privilege to know. He's honest to a fault, courageous, sincere, loyal and intelligent. He's the person you can always count on especially on my mathcad calculations. Albuen is a man of his word. Very picky when it comes to food. Never drinks liquor. Only tea or orange juice when in a party. Of course he never fails not to call Kathy everyday dahil pag alas 8 ng gabi makikita ko na si albuen sa balcony ng dorm na may kausap sa cellphone. And I would like to beleive that it was kathy. Buen and Kathy What more can I say other than Kathy, you look absolutely stunning, and Buen, I cannot thank you enough for giving me the chance to be your Best Man and sharing your special day. Buen, you're so blessed.. Kathy's a beautiful girl with a heart of gold, and she deserves a good husband... Thank God you married her before she found one! Now, as a bestman, it gives me immense pleasure to invite you all to stand and raise your glasses and join me in a toast to Albuen & kathy because I think they were made for each other. ..,,,,,,,( nagtotoast) May your love be modern enough to survive the times, but old fashioned enough to last forever. Indeed I now understand that you don't want to be forever young because you want to grow old with each other. I'm sure you're going to be happy together, and I speak for everybody here when I say I wish you both the very best for your future life together. Ladies and Gentlemen, the new Mr and Mrs Fiel, Buen & Kathy!

Sunday, February 19, 2012

Kahapon

Kasama kita kahapon
Kasamang nakita ang pagbukang liwayway
Kasamang nilasap ang bawat sandaling akin ka
Kasamang tuluyang maglaho ang sinag ng araw.

nakita ko kahapon ang sarili ko
habang binubuklat mo ang librong nakaduyan
sa iyong nakatalukbong na tuhod

Isa akong pahina sa librong iyong binabasa
Isang dantay ng laway sa daliri'y sabay halik
sa gilid ng katawan.

Pagkatapos mong mabasa ang bawat salita
Sa pahina'y tuluyan mong iniwan dahil sabik ka
na sa kung anong mangyayari sa kabilang pahina.

Napakabilis.
Isang iglap nagmamadali kang umalis
Nagmamadaling makita ang sarili sa ibang pahina
Naghahanap ng sagot sa iyong katanungan

Ngayon hinahayaan kitang lumipad.
Buklatin ang natitirang pahina ng libro
Upang masilayan mo kung ano ang nais mo

Kung ano ka at kung sinong nararapat saiyo.

Sana..
maiwan sa isip mo ang laman ng isang pahina
Sa libro na iyong binasa ang salitang magbubuo
Sa palaisipan sa iyong buhay.

Salamat.

Thursday, August 18, 2011

pagbabago


simula sa mga susunod na mga ilalathala ko ay makikita nyo ang pagbabago.
wala nang basehan(rules).
lahat maisusulat sa kung anong wika. anong paraan. anong dimensyon.
ito ang simula ng pagbabago.
simula nang isang lathalaing magbibigay nang puwang sa mga salitang
hindi man lang lumabas o namutawi sa ilang taong tanging prosa ang naibabahagi.
dito malaya na ako makipagtalastasan.
malayang ihayag ang saloobin.
malayang sabihin sa inyo ang nasasaloob.
dito, may bagong buhay ako.
may boses ako.
ako at ako.

Tuesday, August 9, 2011

Salamat Lord,

sa isang iglap,

mawawala ang lahat sa iyo.
mawalwalan nang hininga.
nang kulay. nang lakas upang gumalaw.

mawawalan ka nang lakas
na mabuhay.

dahil sa isang iglap,

ay biglang hihinto ang iyong paghinga.

biglang hihinto ang lahat sa iyong paligid.
wala kang huwisyo.
lahat nang nakikita mo'y malabo.
hanggang sa mawalan ka nang ala-ala.

at sa isang iglap,
biglang mulat nang iyong mata
habang ramdam mo ang pangangatog nang buong katawan.

nakalatag ka na pala sa sahig.
nanginginig.
habang tinatanong ang sarili
kung bakit ka nandoon.

wala kang maalala.
hanngang ang mga butil nang pawis
ay bumalot sa iyong katawan.
sabay tingin sa dugong
umaagos kasabay nang pag-utal
nang salita sa iyong bibig.

unti-unti nang bumabalik ang iyong ulirat.
bumabalik ang bawat senaryo
hanggang sa mamutawi ang
isang garalgal na boses na,

Salamat Lord, Buhay ako!
Salamat Lord.
Salamat...

Friday, October 22, 2010

prodigal son



matagal bago kita binalikan.
matagal bago ako nagkaroon nang lakas ng loob na buksan ka.
marahil ay natatakot ako. hindi ko alam.
dahil bahagi ka nang buhay ko.
ikaw ay aking hininga...

matagal akong namatay.
matagal akong nakahimlay sa madilim na bahagi nang aking buhay.
iniwan kita alam mo iyon.
hinayaang mabuhay sa sariling paraan.
nasaan ako?
lulong marahil sa aking bisyo.
sa aking madilim nakamalayan.
tinatawag mo ako.
pero bingi kitang pakinggan.
dahil masaya ako sa aking buhay.
hindi kita kailangan.
wala kang puwang noon.
bulag ako sa bawat indayog nang kadiliman.
nakikita kitang umiiyak.
nagmamakaawa.
sumsamong kahit isang lingon man lang.
isang lingon man lang.
maramot ako.
puno ako nang kasiguruhang mabubuhay ako.
na wala ka.
na hindi kita babalikan.
na hindi ako tuluyang makikinig.
susunod at magiging trumpo na lamang.


doo'y malaya ako.
malaya akong lumipad nang lumipad.
doo'y naging totoo ang aking pangarap.
nabuhay.
binigayang buhay.
doo'y hindi ako bilanggo.
nakikinig sila sa akin.
may boses ako.
may puwang sa grupo.
doo'y nabubuhay ako.
humihinga.
bumalik ako hindi para mabuhay nang dati.
bumalik ako dahil dapat.
dahil kailangan.
dahil kailangan kong harapin ang nakaraan.
ang noon, ang ngayon at ang magiiging bukas.
bahagi kayo nang aking buhay.
nang aking paglalakbay.
nang aking pagtuklas kung sino ako.
kung ano ako.
at kung saan ako patutungo.

higad suba




hinampas nang kanang paa ang
batong nagawi sa aspaltong daan.
malakas.
tumilapon sa ere habol ang mga
matang mabilis upang makita
kung saan babagsak.
ngumiti s'ya.
ngumiti siya dahil ngayon
ang may pinakamalayong
narating ang batong ilang hugot
nang hiningang pwersang inipon
nya bago pakawalan.

alas onse y medya.

makulimlim ang panahon
baka umulan pero kaninang
umaga pa ganito ang kalangitan.

naglakad s'ya.

ewan kung saan basta
dinadala ang kanyang mga
lakad sa silangang direksyon.
mangilan-ngilan ang pares nang
paang naglalakad sa kalsada.

tuloy-tuloy sa paglakad.

lumiko sa isang bahagi
paakyat sa makipot na daan.
mas lalong dumilim ang
paligid, kinakain nang
matatarik na damo at malalaking
puno ang natitirang sinag.

wari'y gabi na.

malamig ang hanging
dumadapo sa humihingal na mukha.
masarap. nakakawala nang pagod.
matarik at may maliliit na talampas
ang daan.

hindi pa rin nya alam kung saan papunta.

mga huni nang adodore ang wari'y
oyaying orkestrang tumutugtug habang
naglalakad s'ya. paminsan minsa'y
hinahawi n'ya ang mga malalapad na dahong
tila lantarang inilalahad ang sarili.
maputik ang daan. binalot na nang
putik ang pagal nyang paa.

trenta minutos.




Tuesday, July 6, 2010

kawalan



ganito na naman ako
nakatingin sa kawalan
naglalakbay ang diwa sa iba't-ibang dimensyon
nag-iisip...
lumilipad...

umiikot ang itim na mata nang
isangdaan at walumpong anggulo

nasaan na naman ang aking sarili?

nawawalan na naman ng
huwisyo kung ano ang gagawin,
nag-iisip ng mga bagay na
malabong tingnan

walang mukha
animo'y mga tagpi-tagping
senaryong nagpupumiglas

makawala
nag-uunahan

walang pakialam
kung matapakan ang
bawat gunitang
sumagi sa isang
walang buhay na kawalan

kelan ba ako magigising?