Friday, October 22, 2010

prodigal son



matagal bago kita binalikan.
matagal bago ako nagkaroon nang lakas ng loob na buksan ka.
marahil ay natatakot ako. hindi ko alam.
dahil bahagi ka nang buhay ko.
ikaw ay aking hininga...

matagal akong namatay.
matagal akong nakahimlay sa madilim na bahagi nang aking buhay.
iniwan kita alam mo iyon.
hinayaang mabuhay sa sariling paraan.
nasaan ako?
lulong marahil sa aking bisyo.
sa aking madilim nakamalayan.
tinatawag mo ako.
pero bingi kitang pakinggan.
dahil masaya ako sa aking buhay.
hindi kita kailangan.
wala kang puwang noon.
bulag ako sa bawat indayog nang kadiliman.
nakikita kitang umiiyak.
nagmamakaawa.
sumsamong kahit isang lingon man lang.
isang lingon man lang.
maramot ako.
puno ako nang kasiguruhang mabubuhay ako.
na wala ka.
na hindi kita babalikan.
na hindi ako tuluyang makikinig.
susunod at magiging trumpo na lamang.


doo'y malaya ako.
malaya akong lumipad nang lumipad.
doo'y naging totoo ang aking pangarap.
nabuhay.
binigayang buhay.
doo'y hindi ako bilanggo.
nakikinig sila sa akin.
may boses ako.
may puwang sa grupo.
doo'y nabubuhay ako.
humihinga.
bumalik ako hindi para mabuhay nang dati.
bumalik ako dahil dapat.
dahil kailangan.
dahil kailangan kong harapin ang nakaraan.
ang noon, ang ngayon at ang magiiging bukas.
bahagi kayo nang aking buhay.
nang aking paglalakbay.
nang aking pagtuklas kung sino ako.
kung ano ako.
at kung saan ako patutungo.

higad suba




hinampas nang kanang paa ang
batong nagawi sa aspaltong daan.
malakas.
tumilapon sa ere habol ang mga
matang mabilis upang makita
kung saan babagsak.
ngumiti s'ya.
ngumiti siya dahil ngayon
ang may pinakamalayong
narating ang batong ilang hugot
nang hiningang pwersang inipon
nya bago pakawalan.

alas onse y medya.

makulimlim ang panahon
baka umulan pero kaninang
umaga pa ganito ang kalangitan.

naglakad s'ya.

ewan kung saan basta
dinadala ang kanyang mga
lakad sa silangang direksyon.
mangilan-ngilan ang pares nang
paang naglalakad sa kalsada.

tuloy-tuloy sa paglakad.

lumiko sa isang bahagi
paakyat sa makipot na daan.
mas lalong dumilim ang
paligid, kinakain nang
matatarik na damo at malalaking
puno ang natitirang sinag.

wari'y gabi na.

malamig ang hanging
dumadapo sa humihingal na mukha.
masarap. nakakawala nang pagod.
matarik at may maliliit na talampas
ang daan.

hindi pa rin nya alam kung saan papunta.

mga huni nang adodore ang wari'y
oyaying orkestrang tumutugtug habang
naglalakad s'ya. paminsan minsa'y
hinahawi n'ya ang mga malalapad na dahong
tila lantarang inilalahad ang sarili.
maputik ang daan. binalot na nang
putik ang pagal nyang paa.

trenta minutos.