sakahanduanes
simputi ng perlas at
kinang ng bituin ang
abuab sa Catanduanes
sing-itim ng uling at
labo ng putik ang
inaagiwan na budhi
singkinis ng hibla at
lamyos ng silhuweto ang
tabas ng abaka sa Norte
singgaspang ng buni at
tigas ng bato ang ganid
dito sa Timog
singhaba ng habi at
singtibay ng uway ang bawat pasing
hinugot sa tugod ng sakahan
singliit ng tungaw at
singrupok ng nakababad na kahoy ang por kilo
katumbas ng sikad at usong ng magsasaka
singdami ng uhay at
singsidhi ng supnit ang
bawat impit sa angkla ng butungan
dumaraing sa sakit
ng hinaing ng pagpapakasakit.
Makikinig na lang ba tayo?