isang pakikipag-ulayaw sa nakaraan tungo sa hinaharap. isang paglalakbay sa isang payak na lugar tungo sa masalimoot na buhay. isang pag-anyaya sa isang malaya at puno nang pagsubok sa buhay. naglalakad. tumatakbo.nakasakay sa barko. nakasakay sa eroplano. tara makiayon tayo sa agos nang mundo.
Thursday, August 18, 2011
pagbabago
simula sa mga susunod na mga ilalathala ko ay makikita nyo ang pagbabago.
wala nang basehan(rules).
lahat maisusulat sa kung anong wika. anong paraan. anong dimensyon.
ito ang simula ng pagbabago.
simula nang isang lathalaing magbibigay nang puwang sa mga salitang
hindi man lang lumabas o namutawi sa ilang taong tanging prosa ang naibabahagi.
dito malaya na ako makipagtalastasan.
malayang ihayag ang saloobin.
malayang sabihin sa inyo ang nasasaloob.
dito, may bagong buhay ako.
may boses ako.
ako at ako.
Tuesday, August 9, 2011
Salamat Lord,
sa isang iglap,
mawawala ang lahat sa iyo.
mawalwalan nang hininga.
nang kulay. nang lakas upang gumalaw.
mawawalan ka nang lakas
na mabuhay.
dahil sa isang iglap,
ay biglang hihinto ang iyong paghinga.
biglang hihinto ang lahat sa iyong paligid.
wala kang huwisyo.
lahat nang nakikita mo'y malabo.
hanggang sa mawalan ka nang ala-ala.
at sa isang iglap,
biglang mulat nang iyong mata
habang ramdam mo ang pangangatog nang buong katawan.
nakalatag ka na pala sa sahig.
nanginginig.
habang tinatanong ang sarili
kung bakit ka nandoon.
wala kang maalala.
hanngang ang mga butil nang pawis
ay bumalot sa iyong katawan.
sabay tingin sa dugong
umaagos kasabay nang pag-utal
nang salita sa iyong bibig.
unti-unti nang bumabalik ang iyong ulirat.
bumabalik ang bawat senaryo
hanggang sa mamutawi ang
isang garalgal na boses na,
Salamat Lord, Buhay ako!
Salamat Lord.
Salamat...
mawawala ang lahat sa iyo.
mawalwalan nang hininga.
nang kulay. nang lakas upang gumalaw.
mawawalan ka nang lakas
na mabuhay.
dahil sa isang iglap,
ay biglang hihinto ang iyong paghinga.
biglang hihinto ang lahat sa iyong paligid.
wala kang huwisyo.
lahat nang nakikita mo'y malabo.
hanggang sa mawalan ka nang ala-ala.
at sa isang iglap,
biglang mulat nang iyong mata
habang ramdam mo ang pangangatog nang buong katawan.
nakalatag ka na pala sa sahig.
nanginginig.
habang tinatanong ang sarili
kung bakit ka nandoon.
wala kang maalala.
hanngang ang mga butil nang pawis
ay bumalot sa iyong katawan.
sabay tingin sa dugong
umaagos kasabay nang pag-utal
nang salita sa iyong bibig.
unti-unti nang bumabalik ang iyong ulirat.
bumabalik ang bawat senaryo
hanggang sa mamutawi ang
isang garalgal na boses na,
Salamat Lord, Buhay ako!
Salamat Lord.
Salamat...
Subscribe to:
Posts (Atom)