Friday, October 22, 2010

higad suba




hinampas nang kanang paa ang
batong nagawi sa aspaltong daan.
malakas.
tumilapon sa ere habol ang mga
matang mabilis upang makita
kung saan babagsak.
ngumiti s'ya.
ngumiti siya dahil ngayon
ang may pinakamalayong
narating ang batong ilang hugot
nang hiningang pwersang inipon
nya bago pakawalan.

alas onse y medya.

makulimlim ang panahon
baka umulan pero kaninang
umaga pa ganito ang kalangitan.

naglakad s'ya.

ewan kung saan basta
dinadala ang kanyang mga
lakad sa silangang direksyon.
mangilan-ngilan ang pares nang
paang naglalakad sa kalsada.

tuloy-tuloy sa paglakad.

lumiko sa isang bahagi
paakyat sa makipot na daan.
mas lalong dumilim ang
paligid, kinakain nang
matatarik na damo at malalaking
puno ang natitirang sinag.

wari'y gabi na.

malamig ang hanging
dumadapo sa humihingal na mukha.
masarap. nakakawala nang pagod.
matarik at may maliliit na talampas
ang daan.

hindi pa rin nya alam kung saan papunta.

mga huni nang adodore ang wari'y
oyaying orkestrang tumutugtug habang
naglalakad s'ya. paminsan minsa'y
hinahawi n'ya ang mga malalapad na dahong
tila lantarang inilalahad ang sarili.
maputik ang daan. binalot na nang
putik ang pagal nyang paa.

trenta minutos.




No comments:

Post a Comment